Hindi dapat sisihin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso ng ilang bilanggong matagal nang nakakulong pero hindi pa rin nabibigyan ng pardon.
Kasunod ito ng pagkwestyon ng ilan sa paggagawad ng Pangulo ng absolute pardon kay U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ayon kay Sotto, kung meron mang dapat kalampagin at sisihin, ito ay ang Board of Pardons and Parole.
“Eh, hindi naman kasalanan ni presidente yon. Eh, di sisihin nila yung Board of Pardons and Parole, bakit hindi nila nilalakad ‘yun, hindi nila inaayos yun e everyday yun ang trabaho nila. sa tingin mo ba yung mga nakakulong dun na kung sino-sino, nakakarating kay presidente kwento non, hindi,” ani Sotto.
“Si Pemberton, ikinulong ayon sa mga batas natin. Ayon din sa batas natin, pwede siyang makalabas either sa GCTA, o after 10 years o after pinardon siya ng Pangulo. It’s a constitutional power given to the president na mag-pardon e,” dagdag pa ng senador.