Iloilo City – Ni-raid ng Martial Law Special Action Group at otoridad dito sa syudad, ang boarding house na nirentahan ng tatlong miyembro ng Maute na nadakip sa port ng Iloilo City.
Itoy matapos na personal na dumulog sa mga otoridad ang may-ari ng boarding house, upang ireklamo ang hindi pagbayad ng tatlong Maute members.
Ayon kay Police Chief Inspector Ritchie Salva, ang hepe ng Police station 4 Carmen, na tumambad sa kanila ang ilang naka-impake na mga bagahe, limang sirang cellphone, cd player at iba pang gamit, kung saan isailalim ito sa eksaminasyon.
Inamin din ni Chief Inspector Salva, na kung hindi pa dumolog sa kanila ang may-ari ng boarding house, hindi nila malalaman na dito sa syudad nangungupahan ng kwarto ang tatlong miyembro ng Maute group.