Apat, patay sa pag-atake ng NPA sa Davao Del Norte

205

Davao Del Note – Apat ang patay sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa isang police outpost sa Panabo City, Davao Del Note.

Kabilang sa nasawi ang isang pulis na tinamaan ng bala mula sa sniper, at tatlong miyembro ng NPA.

Ayon kay Senior Insp. Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng Southern Mindanao Regional Police, tinangka ng mga rebelde na pasukin ang patrol base ng davao Del Norte Provincial Public Safety Company (DNPPSC) sa Barangay Malitbog.


Pero pinaputukan sila ng mga pulis na nagbabantay sa outpost dahilan para umatras ang mga kalaban.

Pero isang oras matapos ang pag-atake, binaril ng gunman ng npa si SPO1 Niño Moreñ na agad ikinasawi nito.

Facebook Comments