Boardmember Leonila Gorgolon namaalam sa mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Surigao Del Norte

Boardmember Leonila Gorgolon namaalam sa mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Surigao Del Norte Namaalam na sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Surigao Del Norte si 1st District Boardmember Leonila Gorgolon. Ito’y matapos na itinalaga bilang Judge ng Regional Trial Court Branch 30. Ipinaabot nito ang pasasalamat sa mga kasamahan na iilang taong nakasama. Binigyangdiin nito na isang karangalan na mapili bilang Judge at umaasa siyang may magagawa sa pagpapabilis sa pag-aksiyon sa umaabot ng 1,300 pending cases sa sala ng RTC Branch 30. Inamin ni Gorgolon na wala pa siyang impormasyon kung sino ang ipapalit ng kanilang partido bilang Isa sa boardmember ng probinsiya.

Facebook Comments