COMELEC Chair Baustista, handang harapin ang posibleng impeachment complaint laban sa kanya

Manila, Philippines – Haharapin ng kontrobersyal na si Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang posibleng impeachment complaint na isasampa laban sa kanya.

Ito ay kasunod narin ng ibinulgar na alegasyon ni Patricia Paz “Tish” Bautista kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ni Chairman Andy Bautista.

Sa paratang ng kanyang asawa, mayroon umanong P1B tagong yaman ang poll chief .


Isama pa dito ang sangkatutak na bank accounts, real properties maging sa ibang bansa na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assests, Liabilities & Networth (SALN) na kung mapapatunayan ay isang impeachable offense.

Sinabi ng pinuno ng komisyon na pinaghahandaan na rin niya ang counter charges na isasampa laban sa kanyang asawa kabilang na dito ang extortion.

Maliban sa naka-ambang impeachment complaint, magkakasa n arin ang National Bureau of Investigation at ang Senado ng imbestigasyon hinggil sa nasabing kontrobersiya na kinasasangkutan ngayon ni Chairman Andres Bautista.

Facebook Comments