Bobby Parks Jr, pumirma na ng P2-million deal sa Blackwater Elite

Opisyal nang bahagi ng Blackwater Elite si Fil-Am player Bobby Parks Jr.

 

Inanunsyo mismo ni Parks sa kanyang twitter account ang pagpirma ng P2-milyong kontrata sa Blackwater.

 

Isang taong maglalaro para sa nasabing team ang 6-foot-2 second-generation star.


 

Bagama’t second overall sa 2018 pba draft, iginugol ni Parks ang tatlong taon sa San Miguel Alab Pilipinas sa 2019 Asean Basketball League.

 

Inaasahan namang dadalo na ito sa ensayo ng team bukas.

Facebook Comments