Bobby Ray Parks Jr., todo ensayo para mapabilang sa line-up ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Jones Cup at sea games

286

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Coach Chot Reyes ang pagdating ng ilang Gilas Pilipinas pool players sa ginawa nilang practice kahapon sa Meralco gym.
Ilan sa mga dumalo ay sina Ed Daquioag, Raymar Jose, Von Pessumal, Fonzo Gotladera, Almond Vosotros, Kevin Ferrer, Matthew Wright, Bobby Ray Parks Jr. at Mac Belo na nanood lang muna sa sideline.
Maging ang naka-stand by na import ng tnt ka-tropa na si Mike Myers ay nakasama din sa team practice kung saan dito pipiliin ni Reyes ang mga sasabak sa William Jones Cup at sa sea games.
Sa interview kay Parks, ikinatuwa nito ang pag-welcome sa kaniya sa pool ng Gilas at kaniya daw pagsisikapan na makasama sa official line-up nito.
Inaabangan naman kung sasali sa practice ng Gilas pool sina Kobe Paras at Kiefer Ravena matapos ang kanilang laro sa FIBA 3×3 World Cup.

Facebook Comments