Janice de Belen at Gabby Concepcion, magsasama muli sa isang drama anthology sa Kapuso Network

421

Manila, Philippines – Matapos ang halos dalawampung taon, muling magtatambal sina Janice De Belen at Gabby Concepcion sa drama series ng “Magpakailanman” ng Kapuso Network.
Dahil dito, natawa ang aktres sa lumalabas na balita na excited daw siya na makasama muli ang aktor.

Nabatid kasi na nagkaroon din ng relasyon ang dalawa na umabot sa isang taon kung saan biglang iniwan ni Gabby si janice kaya’t nagkaroon siya ng pagkakataon na humingi ng “Sorry”.

Inamin din ni Gabby na na-miss din niya si Janice at masaya siya ngayon na magkakasama sila sa drama anthology.


Mapapanood naman ang balik-tambalan ng dalawa bukas alas-otso ng gabi.

Facebook Comments