Bobbyscopes hatid ni Bobby Lu (June 26, 2018)

Alamin na ang kapalaran mo ngayong araw, Tuesday, June 26, 2018
BOBBYSCOPES hatid ni Bobby Lu
ARIES Maging mapagmatyag sa mga bagay-bagay pati na rin sa mga taong nakapaligid sayo. Hindi lahat ng didikit sayo ay gusto kang maging kaibigan, madalas, gusto ka lang nilang dukutan.
TAURUS Matutong maging wais. Kapag alam mong aawayin ka na ng misis mo, huwag mo siyang sabayan, bagkus, unahan mo siya at maggalit-galitan ka para sa huli, ikaw ang tama!
GEMINI Ihanda ang iyong sarili pagkat labis kang masasaktan ngayong araw na ito. Aksidente mong mamamalayan ang katotohanan ukol sa iyong sarili, yan ay mangyayari mamaya kapag harap mo sa salamin.
CANCER Huwag sayangin ang iyong oras sa paghahabol sa mga taong pilit ka nang iniiwasan, lalo na yung kaibigan mong matagal ka nang pinagkakautangan.
LEO Mabuting iwasan muna ang pagtatravel. Dahil bukod sa wala ka namang perang pangtravel, masagwang magtravel kapag single. Muntanga!!!
VIRGO Gawin ng mahusay ang iyong trabaho nang sa wakas ay mabigyan ka na ng pansin. Kapag hindi pa rin umubra ang paghahangad upang mapromote, hangarin mo na ang posisyon ng boss mong ayaw kang ipromote.
LIBRA Iwasang pumunta sa mga Birthday party, makikipag tawanan sayo ang mga kumare at kumpare mo, pero pag katapos mo kumain, uutangan ka nila, pambalik sa nagastos sa Birthday.
SCORPIO Siguraduhing tama ang iyong kinokopya sa exam, kasi yung nag papa kopya sayo, nangogopya lang din sa iba.
SAGITTARIUS Mag smile kapag pipicturan. Ipakita mong masaya ka kahit sa totoo lang lubog ka na sa utang. Say Cheese!
CAPRICORN Ngayong araw, hindi mo alam kung masaya ka o hindi. Kinain mo kasi yung pagkain sa REF kagabi, at sinabi ng nanay mo, nung isang linggo pa yung ulam na yun.
AQUARIUS Wag pabibo sa office, lahat ng gawain ibibigay sayo, tapos makikita mo sila nag dadaldalan lang. Ikaw pagod ka na nga, ni thank you wala man lang.
PISCES Lapitan mo ang kaibigan mong malungkot, yakapin mo, alagaan mo, tapos bulungan mo sa tenga “Baka pwede makahiram ng pera?”

Facebook Comments