Bobbyscopes! (July 05, 2018)

ARIES (March 21 – April 19) Kapag nabigyan ka ng pagkakataon, gawin mo na lahat ng makakaya mo. Kaya pag nahawakan mo na ang kaldero, damihan mo na ang kuha. Dahil kung hindi mo sila uubusan, ikaw ang uubusan nila.
TAURUS (April 20 – May 20) Matututo kang ilugar ang iyong sarili sa dapat mong paglagyan sa lahat ng pagkakataon. Kaya kung ayaw mong maging tagaabot ng bayad sa jeep, wag na wag kang pupwesto sa likod ng driver.
GEMINI (May 21 – June 20) Iwasang ilagay ang sarili sa mga alanganing sitwasyon. Kaya kung sa fx naman sasakay, wag na sumakay sa gitna kung tatlo na ang pasahero. Kung ayaw mong buong byahe, magkunwaring kang nakaupo kahit namamanhid na yung paa mo.
CANCER (June 21 – July 22) Makakabuti sayo kung pag-aaralan mong dahan-dahanin ang mga bagay-bagay. Dahil ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim. Ngunit ang naglalakad ng mas matulin…. tiyak may utang.
LEO (July 23 – August 23) Maging mapagkilatis sa taong iyong natitipuhan, hindi mo kasi alam na yung lalaking pilit na nilalandi mo, mas malandi pa ng bongga sayo!
VIRGO (August 23 – Sept 22) Ang pagiging likas mong matiisin ay talagang makatutulong sayo. Kung ayaw mo na ikaw ang paghugasin ng plato, wag ka na lang kumain. Nabusog mo na ang mga tao sa bahay niyo, hindi ka pa pagod.
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Wag mag marunong kapag hindi mo talaga alam ang tamang sagot. Okay lang kung sa ngayon hindi mo pa alam, baka maging contestant ka pa sa Da Bobo Game.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Mahilig ka makiramay. Hindi dahil sa close mo sila, kundi paraan mo yun para maka dekwat ng pagkain at hindi ka na gumastos ngayong araw.
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 1) Masarap ang tulog mo kagabi, malalim ang iyong panaginip. Pag gising mo tinawag ka ng nanay mo at hindi mo siya malingon. Di mo talaga kaya, kasi na stiff neck ka di mo lang masabi.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Lolokohin ka nya ngayong araw. Kaya bago ka pa man iwan, singilin mo na siya sa mga utang niya… malaki laki narin yun, para kahit iwan ka, at least, mayaman. Bongga!
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Pigilan ang iyong bibig sa pag tsismis sa kapitbahay. Yung tsismosa mong kapitbahay, napaaway na, wag mo antayin pumutok ang labi, at mag isip mabuti.
PISCES (Feb 19 – March 20) Ugaliing mag sabi ng totoo, upang hindi na lumaki ang gulo. Umamin ka na na ikaw ang kumain ng ulam niyo kagabi na para dapat bukas, sabihin mo bibili ka na lang. Huwow ang takaw!

Facebook Comments