ITINANGGI | CPP Founder Joma Sison, pinabulaanan ang ouster plot laban kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison ang sinasabing ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sison, si Pangulong Duterte mismo ang nagpapabagsak sa kanyang sariling administrasyon.

Tinawag ni Sison na ‘pabrika ng kasinungalingan’ ang security cluster ng Pangulo.


Pagdating sa mga nakalap na ebidensya ng militar sa mga sumukong rebelde, posibleng tungkol ito sa kanilang three-year plan na nagsusulong ng kanilang rebolusyon.

Facebook Comments