Bobbyscopes! (July 09, 2018)

​ ARIES (March 21 – April 19) Magkakaroon ng kaunting hidwaan sa trabaho. Mapapagalitan ka ng iyong boss dahil late ka na naman. Isipin mo na lang na mas okay nang late, pero nagtatrabaho, kesa naman yung maaga. Maaga din tumunganga sa opisina.
TAURUS (April 20 – May 20) Isang nakakagulat na rebelasyon ang matutuklasan mo ngayong araw. Ipagtatapat sa iyo ng asawa mo na may anak siya sa labas. Huwag kang mabagabag sa problemang ito. Ano naman kung may anak sa labas ang asawa mo, edi papasukin mo! Easy!
GEMINI (May 21 – June 20) Matutong sorpresahin ang iyong kapareha. Bilhan siya paminsan ng mga regalo at tsokolate. Wag lang choco na batok o choco na singit. Baka sa sobrang surprise niya, iwan ka niya.
CANCER (June 21 – July 22) Anumang sobra ay nakakasama. Huwag araw-arawin ang pagiging bad breath. Nakakaubos ng kaibigan yan.
LEO (July 23 – August 23) Huwag maging mapagaksaya kahit sa mga pinakamaliliit na bagay. Huwag magpicture ng singkwentang selfie. Isa lang naman ang ipopost mo dyan wag kang ano.
VIRGO (August 23 – Sept 22) Mas makakabuti kung pagiisipan muna ang mga bagay bagay para di magmukhang tanga. Hindi yung papagupit pagupit ka, tas magpopost ka ng “I miss my long hair.” Anong kabobohan yan? Wow!
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Maraming gagawin ngayong araw sa opisina. Para hindi mahirapan, humanap ka ng komportableng lugar, magdala ng unan, huminga ng malalim, sabay matulog. Just kidding!
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Wag masyadong maraming iniisip. Wag mag overthink. Wag mag padala sa pagod. Gabundok pa ang lalabhan mo ngayong araw. Ngiti parin!
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 21) Tapusin mo na ang mga dapat tapusin. Overdue ka na. Ang dami mo ng naiwanang trabaho, padating na boss mo mamaya, puro ka kasi KDRAMA.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Wag mo na alalahanin ang nakalipas na utang. Oras na para mag concentrate ka dahil malapit na mag akinse, hindi mo alam paano pag kakasyahin ang natitira mong pera.
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Wag masyadong magdamdam kapag pinag sasabihan ka ng boss mo, pero kapag tsismosa na ang nangialam, aba sabihin mo mag apply siya maging boss! Pakialamera.
PISCES (Feb 19 – March 20) Bantayan ang iyong katawan. Masyado ka ng natutuwang kumain, yung pantalon mo na binili noong isang linggo, hirap ka na suotin. Sige kain pa, baka mapabili ka nanaman ng bagong kasuotan. ​​

Facebook Comments