Bobbyscopes! (July 11, 2018)

​ARIES ( March 21 – April 19 ) Palagi mong tatandaan na “hindi bale nang late, kesa naman wala”. Panindigan mo yan pagdating sa sahod… Pati na rin sa buwanang dalaw ng jowa mo.
TAURUS (April 20 – May 20) Maraming dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring syota. Baka mapili ka lang talaga, o kaya yung poreber mo natraffic lang sa EDSA. Wag kang malungkot. Isipin mo na lang…. Wala ka pa rin syota!!! Bleeeeeeh!
GEMINI (May 21 – June 20) Hinay-hinay ka lamang sa pagiinom ngayong araw. Wag kalimutan ang kasabihang “Ang nalalasing ng dalaga, nagigising ng buntis.”
CANCER (June 21 – July 22) Hindi ka dapat mabagabag sa maliliit na kakulangan lalo na sa iyong pisikal na kaanyuan. Hindi naman make-up ang kailangan mo kundi alak. Dahil walang pangit na babae, sa paningin ng lasing na lalake.
LEO (July 23 – August 23) Iwasan ang pagkahilig makiusyoso. Basa ka ng basa ng usapan ng katabi mo sa jeep hoy! Halatang halata na ang katext mo lang NDRRMC! Wow!
VIRGO (August 23 – Sept 22) Bago umalis ng bahay ay siguraduhing walang nakalimutan. Pero kung huli na ang paalala kong ito at nakasakay ka na ng jeep, hindi bale isipin mo na lang “ang taong gipit, nag wawantutri sa jeep! Oh, 1, 2, 3 talon!!!! LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Feeling mo matalino ka ngayong araw. Magmamarunong ka. Tuturuan mo sila. Mamamamgha sila sayo. Hanggang pina spell sayo ang salitang Czechoslovakia
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Mananaginip ka ng malupet. Kaya pag natulog ka, magtabi ka ng notebook at ballpen sa tabi mo. Isulat mo yung mga numerong lalabas. Yun nga lang hindi yun sa lotto, yun yung utang na kailangan mo bayaran.
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 21) Maraming magkaka interest sayo ngayong araw. Lalapitan ka ng mga nagkakagusto sayo. Paano may dala kang chi chirya, buburaot lang talaga sila.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Wag basta basta matutulog sa sasakyan lalo na sa jeep. Makikita ka ng crush mo nakanganga, tapos pipicturan ka ng bestfriend mo habang tulog.
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Mag hi ka sa crush mo mo mamaya, walang mawawala, pero bago ka mag hi siguraduhing nag toothbrush ka muna baka nau malunggay pa sa ngipin mo.
PISCES (Feb 19 – March 20) Ma aapreciate mo yung bahay niyo ngayong araw, pag mamasdan mo ito, titignan mo lahat ng sulok, paano di mo mahanap yung susi mo saka cellphone mo.​

Facebook Comments