Hinihimok ng Bureau of Customs (BOC) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagkaproblema sa mga balikbayan boxes na personal na maghain ng reklamo para mapanagot ang mga kompanya na nagpabaya sa pagpapadala nito.
Ayon kay BOC Spokesperson Arnold dela Torre Jr., nakipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers (DMWs) para bigyan ng babala ang mga OFWs hinggil sa palpak na operasyon kabilang dito ang CMG International Movers, Island Kabayan Express Cargo at Win Balikbayan Cargo.
Sinabi ni Dela Torre na nakausap na rin nila ang Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) para naman mapanagot ang local company na kontak ng mga nabanggit na kompanya.
Dagdag pa ni Dela Torre, gumagawa na sila ng hakbang para maabisuhan ang mga OFWs kung ano ang mga dapat gawin para maipadala ng maayos ang mga balikbayan boxes sa tulong na rin ng DMWs.
Iginiit pa ng opisyal na patuloy na pinoproseso ang mga balikbayan boxes para maipadala na agad sa pamilya ng mga OFWs.
Panawagan naman ni Dela Torre sa mga pamilya ng OFWs na naghihintay ng balibayan boxes na sisikapin nila na makarating ang mga padala bago mag-Pasko.