Kumpyansa ang Bureau of Customs (BOC) na kaya nilang maabot ang target collection na itinakda ng national government ngayong taon na aabot sa P721 billion.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BOC Chief Operations at Spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., na as of September ng taon ay nasa P638-B na ang kanilang nakolekta.
Naniniwala siyang makukuha ang target collection ng kagawaran sa natitirang mga panahon ngayong 2022.
Sinabi pa ni Dela torre na mas aktibo ngayon ang kanilang mga tauhan sa border control operations, para matiyak na ang commodities o goods na pumapasok sa bansa ay nababantayan lalo na ngayong “Ber” months.
Facebook Comments