Mungkahing magpa-drugtest ang mga artista, sinuportahan ng isa pang kongresista

Sang-ayon si House Majority Leader Mannix Dalipe sa panukala ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert “Ace” Barbers, na isailalim sa drug test ang mga celebrity o mga artista bago bigyan ng proyekto.

Inihalimabawa pa ni Dalipe na noong siya ay nasa local government pa lamang ay palagi rin nilang isinasailalim ang kanilang mga empleyado at staff sa drug test.

Tulad ni Barbers ay naniniwala si Dalipe na maraming kabataan ang umiidolo sa mga celebrity kaya’t dapat maging mabuting halimbawa ang mga ito.


Gayunpaman, hindi tiyak ni Dalipe kung maaaring gawing mandatory ang pagpapa-drug test sa mga celebrity.

Bukas naman si Dalipe sa anumang panukalang batas para ito ay maisakatuparan.

Facebook Comments