BOC, maghihigpit na sa mga forwarder matapos ang ilang reklamo ng OFWs hinggil sa mga delayed balikbayan box

Ipinag-utos na ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ang pagbuo ng Customs Administrative Order na magsasagawa ng regulasyon at mag-o-obliga sa pagpaparehistro ng mga forwarder.

Ito bilang sagot sa reklamong inihain ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kaugnay sa mga delayed balikbayan boxes na nakatambak lamang sa BOC.

Kaugnay nito, mas hihigpitan ang mga authorized forwarders na magsagawa ng transaksyon sa BOC kung saan ibibigay sa mga OFWs ang online information tungkol sa accredited forwarders.


Dahil dito, maiiwasan na ng mga OFWs na makipag-transaksyon sa mapagsamantalang forwarders.

Pinayuhan rin ng ahensya ang mga OFWs na nagkakaproblema sa balikbayan boxes na i-report sa kanila sa pamamagitan ng social media ang isang pasaway at manlolokomg forwarder upang maibalik ang mga ito sa kanila o maipadala na sa kanilang kamag-anak.

Facebook Comments