Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na ang maayos na deklarasyon na sumailalim sa mga nakabinbing mga kaso sa alinmang mga tanggapan ng customs o kaya sa korte at mga sangkot sa pandaraya ay hindi kwalipikadong mag-apply para sa Prior Disclosure Program.
Tiniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa lahat ng mga importers at stakeholders na ang Post Clearance Audit na gagawin sa pamamaraan na bukas sa lahat at transparent upang hindi mapulaan ng mga kritiko.
Ayon kay Guerrero mahalaga ang communication at co-operation sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at ng mga importer sa pagpapatupad ng bagong patakaran at programa kung saan tinitiyak aniya ng BOC na parating ipapaalam sa mga importer habang ginagawa ang pagproseso ng pag-audit.
Paliwanag ni Guerrero na ang customs administrative order hinggil sa post clearance audit at prior disclosure program ay magiging epektibo 30 calendar days matapos na mailathala noong January 16, 2019 sa mga pahayagang pangkahalatan.