Inatasan na ni Bureau of Customs (BOC) Acting Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang kanilang mga tauhan sa iba nilang mga tanggapan at Collection Districts na bantayan ang mga papasok na produktong pang-agrikultura sa bansa.
Partikular ang mga kontaminading agricultural products mula sa mga bansa na pinabawalan ng Department of Agriculture (DA).
Sa inilabas na memo na pirmado ni Ruiz, naglabas ang BOC ng mga listahan na ipinagbabawal na produkto na mula sa DA na ipinasa sa kanilang mga tanggapan at pantalan para matutukan at mabantayan.
Kabila dito ang mga domestic at wild birds gayundin ang produkto nito.
Ilan din sa mga ito ay ang poultry meat, day-old chick at itlog mula sa mga bansa na apektado Highly Pathogenic Avian Influenza.
Mga Live cattle, meat, at meat products mula sa cattle mula naman sa mga bansa na may kaso ng Bovine Spongiform Encephalopathy.
Kabilang din ang mga Domestic at wild pigs gayindin ang mga produkto nito, kasama ang mga pork meat, pig skin at processed animal proteins mula sa mga bansang may kaso ng African Swine Fever.
Pinababantayan rin ang mga hayop na pinaghihinalaan na may Foot and Mouth Disease (FMD) at mga produkto nito mula sa mga banned countires.
Pinamomonitor rin ng BOC at ipagbabawal ang pag-iimport ng mga isda tulad ng piranha, janitor fish, knife fish, at blackchin tilapia.