Bilang suporta sa pag-aaral ng ilang estudyante namahagi ang local ng pamahalaan ng school kits sa lahat kindergarten and elementary sa Valenzulela City

64

Sa unang araw aabot sa 4,538 na mag-aaral ang nabigyan ng school kits mula sa barangay Gen. T. De Leon, Ugong, Mapulang Lupa, Bagbaguin, Paso De Blas, Parada, Maysan at Karuhatan.

Kada school kits ay naglalaman ng worktexts, notebooks, pens, pencils at iba pang school supplies

Sa ngayon aabot na sa 17,672 na ang nabigyan ng libreng gamit sa eskwela sa Valenzuela.


Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, layun ng nasabing programa na maibsan ang gastosin ng mga magulang ngayong balik na ulit sa eskwela.

Kasabay nito hinimok ng alkalde na pag handaan din ng mga magulang ang face-to-face classes ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag babakuna at pag booster vaccine kontra COVID-19.

Paalala din ng alkalde na sumunod sa mga health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask at ugaling panatiliin ang physical distancing.



Facebook Comments