Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga love scam na maaaring ikabagsak nila sa kulungan
Kasunod ito nang pagkaka-aresto sa isang Pilipina na nagamit ng dayuhang nakilala niya online sa tangkang pagpapalusot ng droga.
Paalala ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, – sinumang tukoy na may-ari ng shipment ay mananagot pa rin kapag napatunayang lumabag sa batas.
Una rito, naharang ng BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 9,898 gramo ng shabu na idineklarang bearing mula Mozambique na nagkakahalaga ng mahigit P67-M.
Dumating ito noong Dec 2 at nang kunin ng babaeng consignee na nagpakilalang kasintahan nang nagpadalang dayuhan ay saka siya inaresto.
Binigyang diin ni Rubio na dapat alamin ng publiko ang mga istilo ng love scam kabilang na ang paggamit ng mga dayuhan sa mga naloloko nilang Pinay para umaktong tiga dala o courier nila ng droga at iba pang kontrabando