Bomba sa NAPOLCOM, negatibo

Hinimok ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko na makipagtulungan sa concern agencies para sa pagpapanatili ng seguridad sa lungsod.

Ginawa ni QCPD Director Redrico Maranan ang apela kasunod ng bomb threat na bumulabog sa gusali ng National Police Commission (NAPOLCOM) kahapon.

Ayon kay Gen. Maranan, nakatanggap ng mensahe sa e-mail ang kawani ng NAPOLCOM at ipinababatid na may itinanim na pampasabog sa gusali.


Agad namang nagpadala ng mga tauhan ang QCPD bomb squad at nagsagawa ng area panelling at security check at kalaunan ay nag negatibo ang resulta.

Nilinaw pa ng QCPD chief na walang kinalaman sa bomb threat ang isinagawang inspection ng pulisya sa latag ng seguridad sa business center ng lungsod.

Facebook Comments