BOC nagpaliwanag sa usapin ng ilegal na droga

Nilinaw ng Bureau of Customs na ang ini-auctioned sa Manila International Container Port ay tinatawag na Tapioca Starch at hindi Hydrochloride Methamphetamine o mas kilala sa tawag na  “”Shabu.”

 

Ayon kay BOC Spokesman Atty. Erastus Sandino Austria pabor aniya ang bureau na ang pag auction sa mga ipinagbabawal na items ay hindi ponahihintulutan sa ilalim ng Republic Act 10863, mas kilala sa tawag na  Customs Modernization and Tariff Act.

 

Paliwanag ni Austria ang pagkakaalam nito ang ini-auctioned noong buwan ng April 2019 ay ang tinatawag na Tapioca Starch o harina na nabubulok.


 

Binigyang diin ni Austria na ang  Philippine Drug Enforcement Agency ang lead Agency at hindi ang BOC ang nagsasagawa ng imbestigasyon at nakikipagtulungan lamang aniya ang kanilang Ahensiya para mapanagot ang nasa likod ng pag aangkat ng ilegal na droga.

 

Nakikipag ugnayan na rin umano ang BOC sa office ni Senator Panfilo Lacson kaugnay sa kanyang isinagawang  privileged speech upang malinaw ang naturang usapin.

Facebook Comments