Sinimulan na ng Bureau of Customs (BOC) ang pamamahagi ng mga abandoned balikbayan boxes sa ilang bahagi ng Visayas.
Partikular sa area ng Cebu, Bohol, Negros, at Siquijor.
Nasa 185 abandoned balikbayan boxes ang dumating sa BOC – Port of Cebu kung saan agad itong dadalhin sa mga address na nakarehistro.
Ang mga nasabing balikbayan boxes ay kabilang sa mga libo-libong packages na ide-deilver ng libre sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na matagal na rin natengga sa mga warehouses ng BOC.
Ang mga nasabing packages ng mga OFWs ay pawang mga nabiktima ng mga manlolokong consolidators sa ibang bansa kung saan ayaw ng Customs na masayang ang kanilang mga pinaghirapan.
Bahagi rin ito ng kautusan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kung saan nangako naman ang Port of Cebu na bibilisan ang pagpapadala ng mga balikbayan boxes para sa kapakanan ng mga OFW’s.