BOCEA, Customs Brokers at stakeholders nagkaisa para ilatag ang tunay na problema sa Customs

Manila, Philippines – Nagkaisa ang samahan ng Customs Brokers, Bureau of Customs Employees Association at Stakeholders, upang ilatag kay BOC Commissioner Isidro Lapeña ang tunay na problema sa ahensiya.

Ayon kay Rey Soliman mamayang alas 8 ng umaga magtipon-tipon sila sa gate 3, Port of Manila, Port Area, Manila upang ipanawagan na ang Non -Sectioning ay hindi umano sagot sa korupsyon at smuggling bagkus nagdudulot lamang umano ito ng mga Workload hindi pantay na pamamahagi sa assessment personnel, hindi mapapabilis ang trabaho at maayos na serbisyo publiko.

Dagdag pa ni Soliman ang naturang pamamaraan ay hindi matiyak kung tama ang pagsusuri sa mga uri at halaga ng mga produktong galing sa ibang bansa.


Giit nito ang pagiging eksperto at karanasan sa kanilang trabaho ay naisakripisyo at nababalewala lamang at ang pagkaantala ay nagiging dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga binabayaran,kayat ang mga Filipino ang nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga produkto na nanggagaling sa ibang bansa.

Dagdag pa nito na ang mabagal at hadlang sa kalakaran ang tunay na isyu na dapat ipatupad ang tamang halaga at tanggalin na ang bench marking sa ahensiya.

Facebook Comments