Manila, Philippines – Kinumpirma ng PNP Crime Laboratory na ang body fluid na nakuha sa paddle at dugo sa damit na umanoy ginamit sa initiation rite ay nagtugma sa hazing victim na si Horacio Castillo III.
Ayon kay Police Chief Inspector Lorna Santos, Chief ng DNA Analysis Branch ng PNP Crime Laboratory, 99.9 porsyento na nagtugma ang nakuhang body fluid sa paddle at damit na una nang nakita sa library ng Aegis Juris Fraternity sa DNA sample mula sa magulang ni Horacio Castillo na sina Horacio Jr. Castillo at Carminia Castillo.
Lumalabas dito na si Horacio Castillo III ay namatay dahil sa hazing.
Si Horacio III ay freshman law student ng University of Santo Tomas na natagpuang bugbog-sarado noong September 17 ng umaga na nakabalot ng makapal na kumot.
Hindi na ito umabot pa nang buhay sa Chinese General Hospital.