Oobligahin muli ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga opisyal at miyembro na sumunod sa body mass index requirements.
Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, nahinto ang pagpapatupad ng BMI requirements dahil COVID-19 pandemic.
Pero plano niyang ibalik ito dahil mas kailangan ito ng mga pulis ngayong panahon para hindi tumaba na nagiging dahilan ng diabetes at heart disease na prone sa COVID-19.
Sinabi ni Sinas na sa nakalipas na siyam na buwan na pandemya ay halos hindi nakakagalaw ang mga pulis para mag-exercise kaya mahalaga na muling ipatupad ang BMI requirements.
Pagmamalaki naman ni PNP Chief Sinas na sa nakalipas na tatlong buwan ay strikto niyang nasusunod ang pag-da-diet at exercise kahit pa 55-anyos na siya.
Kaya hamon niya sa mas mga batang pulis mag-exercise.