BODY-WORN CAMERAS, GINAGAMIT NA SA FIRE SAFETY INSPECTIONS NG BFP

Ipinatutupad na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagsusuot ng body-worn cameras sa mga fire safety inspection sa buong bansa, kabilang ang lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng IFM Dagupan noong Pebrero 6, kinumpirma ng BFP Lingayen na tuloy-tuloy na ang paggamit ng body cameras ng mga tauhan mula nang maipamahagi ang mga ito.

Ayon sa BFP, naka record mula simula hanggang matapos ang bawat inspeksyon ang mga aktibidad bilang bahagi ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong palakasin ang transparency at accountability sa serbisyo.

Dagdag pa ng BFP Lingayen, magsisilbi rin itong proteksyon hindi lamang para sa mga bumbero kundi pati sa publiko at sa mga may-ari ng establisyemento sakaling magkaroon ng reklamo o hindi pagkakaunawaan sa panahon ng inspeksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments