Bohol at Cebu, bibisitahin ni Pangulong Duterte ngayong Linggo

Bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bohol at Cebu.

Ang dalawang probinsya ay kabilang sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Odette.

Una nang nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo sa Siargao, Surigao City, Dinagat Islands at Maasin City sa Southern Leyte kasama si Senador Bong Go.


Samantala, batay sa huling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, sumampa na sa 31 ang napaulat na nasawi dahil sa bagyo.

Pero apat pa lamang dito ang kinumpirma ng ahensya habang patuloy na bineberipika ang 27 iba pa.

May tatlo rin na napaulat na nasugatan at isa ang nawawala.

Sa kabuuan, aabot sa 373,110 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Odette.

Facebook Comments