Dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga baboy sa Luzon.
Nagpatupad na si Bohol Governor Arthur Yap ng ban sa pagpasok ng mga baboy, karne nito at anumang kaugnay na produkto sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Yap – ang mga kargamento ng pork meat at pork-related products ay papayagan lamang kapag mayroong veterinary health certificate na inisyu ng isang lisyensyadong beterinaryo at mga kaukulang permit mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) quarantine services.
Dapat ding magkaroon ng Certificate of Meat Inspection mula sa National Meat Inspection Service (NMIS).
Maglalabas din ang gobernador ng memorandum na humihiling sa mga alkalde sa lalawigan na magtalaga ng tauhan na tutulong sa quarantine efforts.
Facebook Comments