BOL | Bangsamoro Organic Law, dumaan sa tamang proseso bago maging isang ganap na batas

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi minadali ang pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Ito ang sinabi ng Malacañang bilang paliwanag sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa mga suhestiyon o mga panukala para amiyendahan ang kalalagda lamang na Bangsamoro Organic Law o BOL.

Matatandaan kasi na sinabi ni Pangulong Duterte sa isa sa kanyang talumpati sa Sulu kamakilan na kung mayroong sector na hindi tatanggap o magiging satisfied sa BOL ay bukas naman siya na ito amiyendahan.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dumaan naman sa maraming konsultasyon ang BOL pero alam naman aniya ng lahat na maraming taga Sulu ang hindi pabor na maging kabahagi ng Bangsamoro Region pero ngayon aniya ay nagbabago na ito.

Maraming beses na aniyang binisita ni Pangulong Duterte ang Jolo Sulu at ibigsabihin lang aniya nito ay gusto ng Pangulo na tumulong sa mga residente nito at magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro kabilang na ang Sulu.

Tiniyak ni Roque na hindi minadali ang pagsasabatas ng BOL dahil dumaan ito sa lahat ng proseso ng pagsasabatas ng isang panukala.

Facebook Comments