BOL plebiscite sa Maguindanao, binabantayan ng CHR

Inatasan ng Commission on Human Rights o CHR ang kanilang regional office sa Maguindanao na bantayan rin ang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, may mga investigating team silang nakapwesto sa mga rehiyon kung saan idinaos ang plebisito.

Aniya, welcome para sa CHR ang plebisito dahil binibigyan nito ng karapatan ang mga Moro at non Moro na mamili ng gusto nilang sistema.


Sabi ni De Guia, umaasa ang CHR na makakatulong ang BOL sa pagkamit sa kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments