Pagsasagawa ng voter preference surveys, pinatitigil; Pulse Asia, pumalag!

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Pulse Asia ang petisyon ni Atty. Larry Gadon ang pagbawalan silang magsagawa ng senatorial survey.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pulse Asia na bukas silang ma-review ng ibang tao lalo na yung nakakaalam kung ano ang totoo o pekeng survey.

Giit pa ng Pulse Asia, ang inilalabas nilang survey ay hindi kinomisyon o pinagawa ng sinuman.


Una nang sinabi ni Gadon na malayo sa katotohanan ang survey at hindi nito kinakatawan ang mayorya ng mga botante

Hindi rin aniya dapat i-publish ang survey ng dalawang survey firms dahil nagiging instrumento lang ito ng mind conditioning sa halip na makapagbigay ng tamang impormasyon.

Facebook Comments