Bumaba sa pwesto si Bolivian President Evo Morales matapos lumabas sa isang international audit na nagkaroon ng dayaan sa kanilang halalan noong nakaraang buwan.
Inakusahan ng mga demonstrador at mga taga-oposisyon ang electoral authorities na minanipula ang vote recount pabor kay Morales.
Ayon kay Morales – lubos ang kanyang pagsisisi at gagawin niya ito para sa ikabubuti ng kanilang bansa.
Ipapadala niya ang kanyang resignation letter sa kanilang Kongreso sa mga susunod na oras.
Nag-anunsyo na rin ng pagbibitiw si Vice President Alvaro Garcia Linera.
Sa ilalim ng Bolivian constitution, ang senate president ang susunod sa line of succession subalit hindi malinaw kung tatanggapin nito ang pagkapangulo.
Facebook Comments