BOLOGNA EXPLOSION | 3, patay sa pagsabog ng isang tanker truck sa Italy

46

Italy – Patay ang tatlong katao matapos sumabog ng isang tanker truck sa Bologna, Italy.

Aabot sa 70 katao ang isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng first, second at third degree burns.

Nangyari ang pagsabog matapos masangkot sa banggaan ang trak.

Dahil Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang laman ng trak, nag-iwan ito ng malaking butas sa highway dahil sa lakas ng pagsabog.

Hirap ding makadaan ang ilang sasakyan dahil sa patuloy nitong pagliyab at paglabas ng maitim at makapal na usok.

Facebook Comments