Hindi criminally liable ang mga tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) matapos maglabas ng kautusan sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang hindi awtorisadong pagbili at paggamit ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, batay sa mga umiiral na batas, ang mga boluntaryong nagpabakuna sa hindi rehistradong bakuna o gamot ay hindi krimen.
Maliban na lamang kung sangkot ang mga ito sa ipinagbabawal na procurement o pag-promote sa paggamit nito sa ibang tao.
Nakasaad sa Food and Drug Authority (FDA) law, ipinagbabawal ang manufacture, importation, pagbebenta, pamamahagi, pag-promote ng anumang health product na hindi rehistrado sa FDA.
Facebook Comments