Amerika – Lima na ang patay sa east coast ng Amerika bunsod ng pananalasa ng pambihirang bagyo na sinabayan pa ng pag-ulan ng yelo na tinaguriang “bomb cyclone.”
Kanselado ang daan-daang biyahe ng eroplano, may mga naitala na ring pagbaha at malawakang brown out.
Sa Baltimore county, isang 77-anyos na babae ang nasawi matapos na tamaan nang nabuwal na bahagi ng punongkahoy.
Dahil din sa mga nabuwal na punongkahoy ang ikinamatay ng tatlong iba pa kasama ang anim na taong gulang na bata sa estado ng Virginia at sa Newport, Rhode Island.
Ayon sa National Weather Service ng Amerika – ang lakas ng bagyo ay maaaring umabot sa mahigit 144 kilometers per hour na tinatawag ding “Nor’easter” at isa sa “most powerful windstorms” sa nakalipas na ilang taon.