BOMB THREAT | Bomb scare naranasan sa ilang paaralan sa Maynila

Manila, Philippines – Ilang paaralan sa lungsod ng Maynila ang nakatanggap ng bomb threat kahapon.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nagsimulang makatanggap ng bomb threats bandang alas kwatro Huwebes ng hapon ang Mapua Institute of Technology (MIT), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Lyceum of the Philippines University (LPU).

Agad namang idineklarang clear sa pampasabog ang MIT, PLM at Mapua.


Una nang nakatanggap noong Miyerkules ng bomb threat ang University of Santo Tomas (UST).

Facebook Comments