KUMPISKADO | Iligal na LPG refilling stations sa Metro Manila, sinalakay

Sinalakay ng mga otoridad ang ilang iligal na LPG refilling stations sa Metro Manila.

Kinumpiska ng mga otoridad ang mga LPG sa isang refilling station sa Navotas City matapos makitang pineke ang selyo ng mga tangke na hindi ligtas gamitin.

Nabisto rin ang isang ilegal na refilling station ng mga otoridad sa North Caloocan.


Nagkalat rito ang mga regulator na hindi dapat tinatanggal sa mga LPG.

Mas mura man ng P50 hanggang P80 ang bentahan ng LPG sa mga iligal na refilling stations mas kaunti naman ang laman nito.

Facebook Comments