Bomb Threat Seminar sa SM City Cauayan Isabela, Matagumpay na Isinagawa!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na isinagawa kahapon ang bomb threat seminar sa SM City Cauayan sa pakikipagtulungan ng PNP Cauayan City na dinaluhan ng mga manggagawa at security guard ng nasabing mall.

Ayon kay Mall Assistant Manager Larry Jones Santiago, layunin umano ng naturang aktibidad na maiaangat ang kaalaman ng mga manggagawa sakaling may maganap na bomb threat sa lugar.

Ang seminar ay dinaluhan ng nasa mahigi’tkumulang na isang daan at siyamnapung manggagawa at mga tenant ng SM City Cauayan na pinangunahan ni Police Chief Inspector Benigno Asuncion, ang Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan.


Sinabi ni Police Chief Inspector Asunsion na mahalaga umano ang naturang aktibidad sa mga manggagawa upang maituro ang mga dapat nilang gawin sakaling makatanggap ng bomb threat kung saan ay sila rin umano ang kadalasang nagiging biktima ng ganung insidente.

Samantala nilinaw pa ng opisyal na sa ngayon ay wala pa naman umanong biktima ng bomb threat sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments