Bomba, Nahukay ng isang Residente sa Loob ng kanilang Bakuran

172

Cauayan City, Isabela- Narekober ng isang residente ang nakabaon na vintage bomb sa kanyang bakuran bandang 6:30 ngayong gabi sa Brgy. Taggapan, Echague, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Echague Police Station, habang naghuhukay ang isang residente na kinilalang si Jefer Gumpal, 28-anyos, nagkataong natamaan nito ang matigas na metal na nagpapakitang isa itong bomba.


Agad namang tumugon ang pulisya sa lugar kung saan nahukay ang bomba at kanila nga itong bineripika at kumpirmadong isang vintage bomb na tinatayang nasa 1 talampakan ang laki at 1 metro ang haba.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa Explosive Ordnance Disposal (EOD) para tiyakin ang seguridad ng mga residente sa kabila ng nakuhang bomba sa lugar.

Facebook Comments