BOMBING INCIDENT | Tatlo, patay sa Thailand

Thailand – Tatlo ang patay habang umabot sa dalawampu’t dalawa ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang palengke sa bahagi ng Yala province sa Thailand.

Ayon sa Internal Security Operations Command ng Thailand, inilagay ng mga suspek ang bomba sa isang motorsiklo at saka ito ipinarada sa harap ng tindahan sa palengke.

Hinihinalang may kaugnayan ito sa matagal nang inilalatag na awtonomiya ng mga Malay-Muslim na bumubuo sa malaking populasyon ng Yala.


Pero ayon sa mga otoridad, wala pang grupong umaako sa krimen.

Facebook Comments