INTIMATE WEDDING | Coleen Garcia, matipid pa rin sa pagbibigay ng detalye sa kasal nila ni Billy

Manila, Philippines – Matipid pa rin sa pagbibigay ng detalye tungkol sa nalalapit nilang kasal sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Sa isang press conference, sinabi ni Coleen na wala pa silang napipiling date ng kasal kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakapagpapadala ng imbitasyon.

Gusto raw kasi nila na maging intimate lang ang wedding pero may konting paandar na hindi na niya binanggit.


Pero kahit busy pa sa kanilang mga trabaho, smooth naman aniya ang preparations ng kanilang kasal katulong ang kanilang mga kaibigan at wedding planner.

Samantala, pagkatapos ng kasal, balik-trabaho daw agad sila ni Billy kaya posibleng ma-delay ang kanilang honeymoon.

Magbibida kasi si Coleen sa isang pelikula kasama sina Xian Lim at Nathalie Hart habang si Billy, balik sa pagho-host sa isang noontime show at reality talent competition show.

Facebook Comments