Namahagi ng emergency Assistance sa 1,600 na pamilya ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” sa mga munisipalidad ng
Baao, Bula, Minalabac, Nabua at San Jose sa Camarines Sur.
Ang mga naturang pamilya ay kabilang sa mga sinalanta ng nagdaang bayo. Sila ay nakatanggap ng meals, food packs, vitamins, masks at face shields sa isinagawang distribution activities.
“Galing kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte diyan sa Camarines Sur. Umikot at nakipagpulong kami sa inyong gobernador, sina Governor [Miguel] Migz Villafuerte. Nagbigay [si Pangulo] ng instruction na tulungan ang Camarines Sur na makabangon pong muli,” sabi ni Go sa pamamagitan ng video call.
Muli nitong iginiit ang kanyang suporta sa utos ni Pangulong Duterte na bumuo ng
task force para mapabilis ang recovery at rehabilitation efforts sa disaster-stricken areas at ‘build back better’.
“Iyung aking apela na magkaroon ng task force ay para tumutugon kaagad [ang gobyerno] sa inyong rehabilitation efforts diyan sa inyong lugar… para makabangon kaagad tayo at maging mas handa sa anumang sakuna na darating,” pahayag ni Go.
Ang task force ay may kaugnayan sa utos ng Presidente sa mga concerned agencies na maayos na magkaloob agarang tulong sa mga biktima ng bagyo, gamitin ang lahat ng available resources para mapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga tao at paganahin ang buong gobyerno para sa holistic approach patungo sa recovery and rehabilitation.
Tulad ng dating mga aktibidad, namahagi muli ang mga kinatawan ni Go ng mga bisikleta sa piling pamilya at tablets para maganit ng kanilang mga anak.
“Mga kabataan, sana ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral. Tandaan ninyo na edukasyon lang ang tanging puhunan natin sa mundong ito kaya mag-aral ng mabuti. Sa mga magulang naman, sana pagsikapan natin na makapagtapos ang ating mga anak,” himok ni Go.
Sa kanyang virtual message, nagpasalamat si Senator Go kay Governor Miguel R. Villafuerte, Baao Mayor Jeffrey S. Besinio at Vice Mayor Jose B. Malazarte, Bula Mayor Amelita A. Ibasco at Vice Mayor Nilo C. Malanyaon II, Minalabac Mayor Christopher R. Lizardo at Vice Mayor Pedro M. Benamira, Nabua Mayor Fernando D. Simbulan at Vice Mayor Marissa C. Velitario-Hao, at San Jose Mayor Marco P. Chavez at kay Vice Mayor Virgilio E. Panuelos sa kanilang suporta.
“Magtulungan lang tayo, konting tiis lang. Alam ko nahihirapan kayo. Kami rin po nahihirapan din pero binibigyan ninyo kami ng lakas para magserbisyo pa nang mabuti para sa inyong lahat. Sa abot ng aming makakaya ni Pangulong Duterte ay gagawin namin ang lahat para makabangon lang tayo,” pangako pa nito.