Bong Go distributes aid to fire victims in Davao City; urges critics to join in ‘bayanihan’ to help fellow Filipinos

 

Binuweltahan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga kritiko na patuloy na kumukuwestiyon sa mga pagsisikap ng gobyerno na kontrolin ang coronavirus disease (COVID-19) situation sa bansa.

Sa panayam sa kanya matapos ang pamamahagi ng ayuda sa mga nasunugan sa Davao City, iginiit ni Go, na ngayong nahaharap ang bansa sa krisis ay kailangang magkaisa ang lahat para sa tulungan ang mga nangangailangan.

“Tama ‘yung sinabi na ‘damned if you do, damned if you don’t.’ Alam ko ‘yan, nararamdaman ko ‘yan. Kami po, ginagawa namin ang lahat para sa Filipino. Nagseserbisyo kami para sa Filipino pero may iilang tao talaga na bawat ginagawa mo para sa iyong kapwa tao, sasabihin nila mali,” sabi ni Go.


Sa kanila aniya ng kritisismo ng oposisyon ay ginagawa ng pamahalaan ang lahat para solusyunan ang pandemya at tulungan ang mga Filipino na makarekober.

“Ang trabaho ng oposisyon to oppose sa trabaho ng administrasyon,” dagdag niya.

“Totoo ang sinabi ni Pangulong Duterte, ang COVID, di natin nakikita. Ang COVID, di natin alam kelan matatapos, totoo po ‘yun. Vaccine ang pag-asa natin sa ngayon. Pero habang nag-aantay tayo sa vaccine ay gumagawa naman po ng paraan ang gobyerno,” wika ng senador.

Naniniwala si Go na kalaunan ay babalik din sa normal ang sitwasyon ng bansa hangga’t nakikipagtulungan ang mga Filipino sa mga otoridad, nananatiling mapagmatyag, at nagpapakita ng malasakit sa kapwa.

“Lahat naman po ng nasa gobyerno, sa administration, ay nagtutulungan naman po, lahat po. Alam n’yo, maawa naman tayo sa mga taong nagtatrabaho, puro batikos lang po inaabot. Kailangan ngayong panahong ito, ‘yung strong leader po na kailangan may magdidisiplina,” dagdag niya.

Nagkaloob ang grupo ni Go ng food packs, masks, face shields, financial aid, vitamins at mga gamot, gift cards, at iba pang uri ng tulong sa pitong pamilya na kinabibilangan ng labin’limang indibiduwal na nasunugan sa Barangay Paciano noong ika-14 ng Sityembre.

Nagkaloob din ang senador ng bisikleta sa piling indibiduwal para isulong ang alternatibong uri ng transportasyon sanhi ng kasalukuyang krisis.

“May dala akong grocery, financial assistance. May dala rin akong masks at face shield. May pabor lang ako, suotin niyo ‘yan. Tiis tiis lang po tayo ngayon. Alam namin ang pakiramdam na hindi makalabas at mayakap ang Pilipino,” Sabi ni Go.

“Ang pagsunod ninyo sa mga patakaran ay paraan ng pakikipagbayanihan at pagmamamalasakit sa kapwa natin. Magtulungan po tayo upang malampasan ang krisis na ito,” dagdag niya.

Naroon din para magbigay dagdag ayuda sa mga biktima ang iba’t-ibang ahensiya tulad ng
Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry at National Housing Authority.

“Importante, walang nasaktan. Nagtuyok gyud ko sa mga nasunugan, doon sa Cagayan, Misamis at pati Jolo. Lagpas isang libo ang nasunugan na mga Badjao. Pinupuntahan ko talaga ang mga nasunugan hindi lang para tumulong kundi magbigay rin ng ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati,” pahayag ni Go sa pamamagitan ng magkahalong lenggwahe.

Mahigpit naman na sinunod ang
Health protocols, tulad ng social distancing at pagsusuot ng masks ng mga attendees at officials na naroon sa distribusyon ng ayuda upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

“Kami ni President Duterte, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para matulungan kayo. Hindi rin kayo iiwan ng inyong mayor. Nandyan si Mayor Sara Duterte na palaging handang tumulong sa inyo,” sabi niya.

Noong nakaraang taon, ang Davaoeño senator ay naghain ng Fire Protection Modernization bill na magpapahusay sa kakayahan ng Bureau of Fire Protection para sugpuin ang mga mapanirang sunog at maibsan ang pinsala sa buhay at ari-arian.

“Ang layunin po ng bill na ito hindi lang po para i-modernize but maiwasan na magkasunog. Kaya kasama dito ang education and awareness campaign. Kailangan rin i-modernize at madagdagan po ang fire trucks at iba pang kagamitan… dapat meron na tayong mga bagong kagamitan na madaling makaresponde agad,” saad ni Go.

Facebook Comments