Ipinahayag ni Senator Ramon “Bong” Revilla na sinusuportahan niya ang death penalty na gustong ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng death penalty, ipapataw ito sa mga mapapatunayang plunderer o magnanakaw ng kaban ng bayan at drug trafficker.
Ayon kay Revilla, gusto niyang idagdag dito ang mga taong nag-akusa o mali ang akusasyon sa hindi napatunayang plunderer.
“I personally support the President’s call to reinstate capital punishment for offenses related to drugs and plunder,” ani Revilla.
“Dagdagan ko lang na dapat may parusa rin na kamatayan for those falsely and malicious accuse for others of these offenses,” dagdag niya.
Matatandaan nitong Disyembre na-acquit si Revilla matapos ang apat na taong pagkakakulong dahil nadawit siya sa multi-billion peso pork barrel scam.