Bong Revilla, sinurpresa ang isang die-hard fan sa kaarawan nito

Ibinahagi ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang kaniyang surpresa sa isang die-hard fan sa kaarawan nito.

Sa kaniyang Facebook post na may caption, “Noong ako ay naka-detain sa Crame, nakilala ko si Helen Valencia, isang OFW sa Spain, na maituturing kong isa sa aking mga loyal and diehard supporters.”

”Nangako ako sa kanya na sa paglabas ko ay dadalawin ko ang kanyang nanay sa Batangas,” dagdag niya.


Sinabi rin ni Revilla na personal niyang binati ang kaniyang taga-suporta at binigyan ng regalo.

“Happy birthday sa’yo, Nanay! Maraming maraming salamat sa suporta ng inyong pamilya na ibinibigay sa akin,” bati ni Revilla.

Nakalaya si Revilla mula sa apat na taong pagkakakulong dahil sa kaugnayan sa Pork Barrel Scam at hindi maipaliwanag na kayamanan.

Kamakailan lamang ay nanalo siya sa pagka-senador nitong midterm elections na nakapasok sa ‘Magic 12’.

Nag-file siya ng tatlong bill para sa elderly and senior citizens – the “Centenarians Act of 2019”; Family Medical Leave Act at Magna Carta for Filipino Seafarers.

 

 

Facebook Comments