Security Guard na Wanted sa Batas, Natimbog!

178

San Mateo, Isabela – Napasakamay na ng PNP San Mateo ang isang Security Guard matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kaninang 12:40 ng hapon sa Brgy. Salinungan East, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Warlito Castañeda, 39 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Dinakip ng PNP San Mateo ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel M Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa paglabag sa R.A. 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.”

Si Castañeda ay makakalaya lamang kung siya’y makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng Php36,000.00.

Dinala na ang akusado sa prisinto ng PNP San Mateo para sa kaukulang disposisyon bago dalhin sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers