Bongbong Marcos, bumaba ang puntos sa Balance Luzon batay sa latest RMN-APCORE survey

Malaki ang ibinaba ng puntos ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos sa Balance Luzon sa latest survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators Inc. (RMN-APCORE).

Sa panayam ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Dr. Racidon Bernarte, International Managing Director ng APCORE na labing isang puntos ang ibinaba ni BBM sa Balance Luzon.

Ayon kay Bernarte, posibleng nakaapekto dito ang hindi pagdalo nito sa dalawang presidential forum na naganap nang isagawa ang RMN-APCORE survey nitong Enero 26 hanggang 30.


Sa kabila nito, sinabi ni Bernarte na bumawi naman si Marcos na nakakuha ng mataas na marka sa National Capital Region, Visayas at Mindanao area dahilan kaya nananatili pa rin itong nangunguna sa overall RMN-APCORE survey.

Malaki naman ang naging pagtaas ni Vice President Leni Robredo na nakakuhang ng malaking puntos sa NCR na may 12% habang may tig-1% na pagtaas sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao area.

5% ang nakuhang puntos ni Sen. Panfilo Lacson sa Balance Luzon habang wala itong nakuha sa NCR, Visayas at Mindanao.

Bumaba rin si Manila Mayor Isko Moreno sa NCR na may negative 7, sa Mindanao na may negative 5, habang mataas ng 4% sa Visayas.

Nakakuha naman ng positvie 1% si Manny Pacquaio sa NCR, negative 1% sa Mindanao habang kapwa walang nakuhang score sa Balance Luzon at Visayas.

Sinabi ni Bernarte na educational background, mga natulungan, hindi korap at may magandang track record ang apat na naging batayan ng mga respondent sa survey.

Kasabay nito, sinabi ni Bernarte na posibleng mabago pa ang mga datos sa survey lalo na’t simula pa lamang ang kampanya.

Facebook Comments