Dumistansya si dating Senator Bongbong Marcos Jr. mula sa mga hakbang na sipain sa puwesto si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, na inakusahan niyang bias at nais niyang mag-inhibit sa kanyang poll protest.
Matatandaang hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa SC na ilabas ang kopya ng Statement of Assets, Liabilites and Networth (SALN) ni Leonen para sa paghahain ng quo warranto petition.
Bukod kay Calida, si Atty. Larry Gadon ay humiling din sa SC ng kopya ng SALN ni Leonen pero hindi siya pinagbigyan.
Ayon kay Marcos, hindi niya kinausap si Calida hinggil sa kanyang electoral protest.
Iginiit ni Marcos na mayroon siyang sariling legal team.
Sinubukan din niyang pakiusapan si Gadon na huwang ituloy ang planong patalsikin sa puwesto si Leonen.
Nanindigan si Marcos na hindi niya taga-suporta si Calida pero legal counsel ng pamahalaan.